Pulis ka nga ba?

Pulis  Maynila, ano ba talaga ang tunay na lakaran sa likod ng mga pagtatakip ng mga opisyal sa kurtinang maaaya ang itsura na unti unti nababalot  nakakasulasok na baho na binubutas ng katotohanan.

Ano ba ang pakatao ng binabalot ng kagalang-galang na platsadong uniporme matitingkad na palamuting nagsasaad ng ranggo?

Ang kumpas ng pagsaludo ng nakakababa ay tunay bang nararapat sa sayo?

Akoy naguluguluhan sa aking mga naririnig, nabasa at naiisip ngayong panahon na ng katotohanan na dapt nating haraping lahat.

Ilan, ngunit hindi limitado sa mga natutunghayan natin.

MPD – PS 9 balasahin, Kernel Quirante sibakin! Print E-mail
Written by Jerry Yap
Friday, 05 June 2009 00:05
MUKHANG ipinagpapatuloy ni P/Supt. FERDINAND QUIRANTE ang pagpapalaki  ng kanyang WANKATA at wala ‘atang ginawa kundi ang mag-GYM habang siya ay station commander ng Manila Police District –PS-9  Malate Station …BAKIT ‘kan’yo?!

Aba ‘e GRABE na ang nangyayaring nakawan, snatching, bukas-kotse gang, donut gang, pokpok gang at kung ano-ano pang klaseng gang na walang ginawa kundi mamerhuwisyo ng shoppers, mga empleyado, mga estudyante at iba pang nagagawi d’yan sa Harrison Plaza.

Gaya na lang ng masaklap na karanasan ng isang opisyal ng National Press Club (NPC) kamakalawa ng gabi.
Pauwi na siya ng Laguna at napadaan lang sa Mercury Drug Harrison Plaza para bumili lang ng gamot. S’yempre igagarahe niya ang sasakyan sa malapit lang do’n. Aba ‘e noong nasa highway na siya, noon lang niya napansin na basag na pala ang windshield niya sa likuran at WALA na rin ang LAPTOP niya.

Tsk tsk tsk …

Nagpasalamat na rin siya kahit paano, dahil buti na lang daw hindi ang buong KOTSE niya ang nawala …Hik hik hik …

Kidding aside, natatawa lang kami sa mga pa-JOKE na kwento ng kasamahan nating opisyal ng NPC, pero sa TOTOO lang marami nang ATRASO si Kernel TE-QUIRANTS …

Hanggang ngayon ‘e patuloy  pa rin ang HULIDAP GANG d’yan sa hanay ng mga kapulisan niya.

‘Yung HULIDAP na huhulihin ang DRUG USER, hindi ang PUSHER. Tapos PASUSUKAHIN ng halos P100,000 ang BIKTIMA nila?!

Kaya hindi tayo magtataka kung ang mga LESPU d’yan sa NUEVE ‘e walang ginawa kundi MAGDELIHENSIYA lang… marami kasing pwedeng delihensiyahan …

Bukod sa HULIDAP, ‘e nariyan pa ang mga POKPOK na LAGARE sa paghahanap ng mga MABIBIKTIMA sa Harrison Plaza …

MPD Dir. GEN. ROD MAGTIBAY, Sir … MAHIGPIT ang pangangailangan na BALASAHIN mo ang MPD MALATE STATION (PS9) at SIBAKIN ang station commander na si QUIRANTE!

NOW NA     ( from  HATAW )

kaya pa ng ng simpleng paglipat  ang ganitong kabalabalan?  ?

4 pulis Maynila na kotongero kinasuhan na

Uploaded by Gwenn Breaking News Oct 11, 2010

ISINAMPA sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang kasong robbery extortion laban sa isang opisyal ng Manila Police District (MPD) at tatlo nitong tauhan na inakusahang nangotong habang ang isa ay  inakusahang nangmolestiya, sa isinagawang ‘Oplan Sita’, sa Tondo, Maynila noong nakalipas na buwan.

Ang kaso ay isinampa laban kina Insp. Ricardo Magtajas, SPO2 Roderick Lacangan, SPO1 Romeo Batalla at PO2 Gerry Genalope, pawang nakatalaga sa MPD-Station 7.

May sapat na batayan ang Manila City Prosecutor upang isalang sa paglilitis ang mga akusado kasabay ng rekomendasyon na maaari silang maghain ng piyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Matatandaan na napaulat ang pagkakadakip ng apat sa isang entrapment operation sa reklamo ng biktimang si Jonnalyn Trajano, 18, kasama ang isang Michael Navoa.

Nag-ugat ang kaso nang patigilin ng mga pulis sa checkpoint ang Starex van na minamaneho ni Navoa, sa Yuseco st., sa inilatag na “Oplan Sita” noong Setyembre 24.

Nang kapkapan si Navoa ay nakunan ng marijuana sticks na itinago sa kaha ng sigarilyo. Kinuha umano ng mga pulis ang wallet nito na may P9,000. cash at hiningan ng P200,000 upang hindi na kasuhan ng illegal possession sa paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act).

Sa panig naman ni Trajano, si Lacangan ang nagmaneho ng Starex at habang nasa tabi siya nito ay ipinasok ang mga kamay sa kanyang t-shirt at nilamas ang kanang dibdib niya.

Kinuha din ng mga ito ang iPhone niya bago sila pinakawalan upang ipatubos sa halagang P20,000 matapos mabigong maisangla.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang mga biktima sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim kung saan inaksiyunan naman ni Chief Insp. Marcelo Reyes na gumamit ng marked-money sa pagbitag sa mga akusadong pulis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

(from Remate )

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Torture case yumanig sa MPD Print E-mail
Written by Ruther Batuigas
Friday, 20 August 2010 00:03
NIYANIG ang Manila Police District (MPD) ng pag-torture ng isang pulis sa hubad na lalaki na nakuhanan ng video at ipinalabas sa telebisyon noong Martes ng gabi.
Para sa kaalaman ng lahat, kitang-kita sa video na ipinalabas sa Channel 2 na sumisigaw at namimilipit sa sakit ang kawawang biktima habang nakahiga at nakatalikod sa kamera.
Ang dahilan ng kanyang pagdaing ay may tali na nakakabit sa kanyang ari na paulit-ulit hinihila ng isang lalaki, habang pinapalo-palo siya sa mukha at tinatanong kaugnay ng panghoholdap.
Hindi naman nalantad kung sino talaga ang kumuha ng video at kung paano niya nagawa ito. Ganu’n pa man, sa pamamagitan ng naturang video ay nalantad ang isang paraan ng            pagpapahirap sa mga nahuhuling suspek sa krimen.
Ang pagsasagawa ng torture o pagpapahirap sa kriminal ay ipinagbabawal sa batas. Ang lahat ng mamamayan ay may karapatang pangtao na dapat kilalanin at igalang sa lahat ng oras.
Sa kabila nito, may mga pulis na gumagawa pa rin ng pag-torture sa loob ng ilang dekada. Kanya-kanya rin ang estilo ng pagbibigay ng pagpapahirap dito. Ang iba riyan ay kinokoryente pa ang suspek sa “itlog” hanggang sa mapaamin ito, o kaya ay sinasakloban ng plastic sa ulo upang hindi makahinga.
Sa mga pulis na ito ay hindi sapat ang simpleng interogasyon o ang estilong “good cop, bad cop” na madalas makita sa pelikula. Pinaaamin nila ang kriminal sa paraan na kanilang nakasanayan at alam nilang hindi ito makatatanggi o makapagsisinungaling.
At dahil moderno na ang panahon, sadyang minalas lang talaga ang pulis sa video dahil nakuhanan siya sa kanyang ginawa at ipinalabas pa ito sa TV.
Kaya naman kinabukasan, sinibak agad ang nagpahirap na pulis na nakilalang si Sr. Insp. Joselito Binayug, hepe ng Asuncion police community precinct. Nasasakupan ito ng Manila Police District (MPD) Station 2, na nasa ilalim ngayon ng pamumuno ni Supt. Ferdinand Quirante. Ang ibang pulis na nakatalaga sa Asuncion PCP ay naulat na tinanggal din sa puwesto.
Ang naturang pag-torture ay agad kinondena at pinatutukan ng Department of Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, at ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Masaklap nga lamang dahil matapos umani ng papuri ang MPD sa pagkakasakote nila sa tatlong lalaking nangjoldap sa sangay ng LBC at nang-hostage sa isang estudyante kamakailan, mga mare at pare ko, ay sila naman ang nalagay sa sentro ng kontrobersya dahil sa pag-torture sa isang holdaper.
(  FROM   :  HATAW )
KAHAYUPAN NG PULIS ‘TO!
Nina DINDO MATINING, ROSE MIRANDA, TINA MENDOZA, JULIET DE LOZA, JB SALARZON at ARMIDA RICO
TOP STORIES

Dinagsa ng batikos at reklamo ang nalantad na police brutality at torture ng isang pulis sa isang suspek sa krimen kahapon kung saan tinawag itong “kahayupan” ng isang senador at deretsahan ding kinondena ni Pangulong Noynoy Aquino.
Bunga nito ay tuluyan nang nilusaw ng Manila Police District (MPD) ang Asuncion Police Community Precinct (PCP) na matatagpuan sa Tondo, Manila at sinibak ang 10 pulis-Maynila makaraang matunton na sa naturang presinto naganap ang ma­tinding pagpapahirap sa hindi nakikilalang suspek.
Nag-utos na rin ng isang malalimang imbestigasyon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Jesus Verzosa sa insidente sa pamamagitan ng pagbuo ng Investigation Task Force Group “Asuncion”.

Gwardyado ng mga pulis ang isang pulutong ng mga magsasaka mula umano sa Hacienda Luisita ang nag-rally sa tapat ng Supreme Court (SC) kahapon upang tutukan ang oral argument sa mainit na usapin. (Carlito Arenas)

“Hindi dapat ginagawa iyon sa isang tao anuman ang kanyang kasalanan o nagawang krimen.

Karu­mal-dumal at kahayupan iyon,” ani Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights.
Dahil dito, tinaningan ni Escudero ang pulisya ng dalawang linggo para isumite sa Kongreso ang kanilang imbestigasyon sa kaso.
At kung hindi aniya magiging patas ang im­bestigasyon, ng pulisya sa naturang krimen, mapipilitan silang imbestigahan ito sa Senado.
“Sapat na dalawang linggo para makuha ang lahat ng impormasyon at isumite sa Senado. Sa kanilang findings kami magbabase kung paghihimasukan ito ng Senado kung palagay naming kulang at hindi patas ang imbestigasyon,” pahayag pa ni Escudero.
Aniya, unang hakbang pa lamang ang ginawang pagsibak sa mga pulis na sangkot sa torture, pero dapat aniyang usigin ang gumawa ng naturang krimen.
“Dapat sampolan sila, hindi lang ang batas (Anti-Torture law), sample sa bagong administrasyon na seryoso ito para pigilan ang anumang uri ng torture,” saad pa ng senador.
Mula sa palasyo, nagpahayag din ng pagnanais ang Pangulo na maparusahan ang mga taong nasa likod ng torture at kalunus-lunos na police brutality.
Ang nasabing video na eksklusibong napasakamay ng ABS-CBN Channel 2 ay nagpapakita ng isang hubad na lalake na walang habas na nilalatigo sa mukha at iba pang parte ng katawan. Nakita rin sa video na itinali ang ari ng biktima at hinihinalang nangyari ito sa loob mismo ng isang presinto.
Sinabi ni Aquino na hindi polisiya ng kanyang administrasyon ang pag-torture at hindi rin umano niya ito kinukunsinti kung kaya nagbanta ito sa sinumang may sala na dapat ay maging handa na mapatawan ng kaukulang parusa.
“It is clear that torture is not a policy of this go­vernment. When it did happened, then they have to be prepared to receive the appropriate penalties and sanctions,” ani Aquino.
Maging si Justice Sec. Leila de Lima ay nahindik sa nakitang video ng nasabing police brutality.
“It is a very shocking video,” pahayag ni De Lima kung saan kasama umano ng ahensya ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagsusulong ng kaso laban sa mga pulis na nakatalaga sa Asuncion PCP sa pangu­nguna ni Sr. Insp. Joselito Binayug na nahuli sa video na tino-torture ang isang naarestong suspek sa pang­hoholdap.
Maging si Manila Ma­yor Alfredo Lim ay mabilis na umaksyon laban sa mga sangkot na pulis matapos kondenahin ang napanood na ‘torture video’.
Napag-alaman naman na napasugod sa Asuncion PCP si National Police Commission (Napolcom NCR director Emilio Salumpides upang mag-imbestiga, gayundin ang Internal Affairs Service (IAS) ng MPD sa pamumuno ni Supt. Angel Cariaga.
“Sa aming parte, administrative case kami to the point na maaaring maging sanction ng mga involve na pulis ay dismissal from the service,” ayon kay Salumpides.
Nabatid kay Supt. Ferdinand Quirante, station commander ng MPD Police Station 2, na kabilang sa mga sinibak ay sina Binayug, SPO1 Rodolfo Ong, PO3 Bernard Mino, PO2 Marlon Buenaflor, PO Rex Binayug, SPO1 Reynaldo Macalinao, PO3 Gene Reyes, PO1 Ariel Iringan at PO1 Jayvee Coronan.
Kasabay naman ng pagbuo ng Task Force Asuncion ay sinabi ni Gen. Verzosa na, “Ang mga ganitong bagay ay walang puwang sa organisasyon na siya pa man din ang dapat mangalaga at rumespeto sa karapatang-pantao.”
“Anumang klase ng gawaing brutal at pag-abuso sa kapangyarihan ng isang pulis ay hindi kinukunsinti at dapat lamang na ang sinumang gumawa ng ganitong bagay ay managot,” dagdag nito.
Ang task force ay pangu­ngunahan ni Chief Supt. Roberto Rongavilla, National Capital Region Police Office Deputy Regional Director for Admi­nistration (DRDA).
Kakasuhan ang mga sangkot na pulis sa paglabag sa Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009.
“Kailangan makulong at masampahan ng kaso ang pulis na ‘yan, hindi makatao ang ginawa,” pahayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Leocadio Santiago matapos mapanood ang kalunus-lunos na ‘torture video’.

(From   Abante Online  Aug.19,2010)

 

___Ngunit  sa kabila  nito  ang nakapagtaka  ay ang kumento ng nakaktaas na  opisyal patungkol sa pagganap ng torture cop na si Banayug na si Supt. Ferdinand  Quirante ay talagang nakakabahala dahil kaiba sa opinion ng mga tao sa paligid ng estasyon ni Binayug.

 

 

Cop allegedly in torture video was ‘violent, arrogant’

abs-cbnNEWS.com
Posted at 08/19/2010 1:29 AM | Updated as of 08/19/2010 1:29 AM

MANILA, Philippines – More cases of abuse concerning the police official allegedly at the center of the torture video taken inside a police station in Tondo, are coming out.

Inspector Joselito Binayug, who was relieved as chief of the Asuncion, Tondo police precinct, headed an outpost of the Philippine National Police (PNP) that covered Divisoria and areas of Tondo where cases of theft and hold-ups are common.

Binayug’s superior, Superintendent Ferdinand Quirante, said Binayug had “no problems” in controlling his assigned area.

“He handled his place na talagang he is on the top of the situation, addressing of course, iyong anti-criminality,” Quirante said.

“Violent”

However, some residents of Tondo alleged Binayug had a reputation of being violent, saying he acted like he was the ruler of the place.

“Abusado po talaga ‘yan sir… kasi po kapag [naka-tambay] lang po kami dito eh pinapalo ang mga tricycles, pati po ‘yong mga driver,” a resident said.

“Sa pila nga namin ho eh, kinukuhanan pa [ng kotong], eh magkano lang ho ang kita namin.. kinikikilan pa kami,” another resident alleged.

Residents said they were not surprised when the video was released.

“Minsan, isang beses, isang bata – pinapalo ng kawayan… siguro, baka jumper o salisi, pinapalo ng kawayan,” a resident recalled.

Some of Binayug’s alleged victims have also surfaced.

“Ginawa nila Binayug, pati ‘yong nanay po ni Gilbert [a resident suspected of snatching], kinaladkad nila,” a resident said.

Numerous cases

Investigation by the Department of the Interior and Local Government and the National Police Commission (Napolcom) revealed Binayug has numerous cases filed against him.

The cases include robbery with extortion, 2 cases of serious neglect of duty, and grave misconduct.

“Maaari nating i-correlate siguro iyong mga complainants doon sa mga kasong naka-file laban sa kanya, kung mayroon bang sense o link sa mga akusasyon laban sa kanya,” Atty. Owen De Luna, chief Napolcom Investigator, said.

Despite these, Binayug has earned 10 medals in a span of 10 years, including the PNP Badge of Honor, bestowed upon him by former National capital Region Police Office chief Roberto Rosales last May 2009.

Binayug did not speak to ABS-CBN News about the allegations against him.

However, the Manila Police District (MPD) said they will make sure Binayug will face the charges levied against him.

“Sabi niya, he’s prepared. Hindi siya magco-comment sa video, pero ang sabi niya sa akin, he is willing to face the investigation,” said Chief Superintendent Rodolfo Magtibay, MPD director. Reporting by Ron Gagalac, ABS-CBN News

 

Nakakalungkot ay ang paglipat ng destino ng mga pulis, minsan ay nakalimutan natin ang kalidad ng kanyang trabaho. Ang isang opisyal pwedeng maakusahang “mentally ill” dahil sa pagkakagawa ng makahayup na paraan ng pagganap ng tungkulin, ay mas nakikilala ng ng kanyang katrabaho katulad sa kaso ni Binayug, ang kasamahan niyang mga pulis ay kilala nila ang stilo nito at ang kanyang gawain.

Pero siyempre , kailangan itanggi para sa pinapagandang mabahong imahe ng Pulis Maynila.  Kawawang Bayang Pilipinas.

Sa Droga, me polisiya na damay ang preisinto partikular ang hepe nito kung may malaking operation ng droga sa kanyang nasasakupan ay napakalaking halaga,  Napagiisipan lang nga’ Bakit hindi rin magkaroon ng obligasyon ang mga opisyal sa mga taong nasasakupan at nakahanay sa kanya. Eto kung talagang tapat at determinado and PNP ipatupad ang pagbabago nararapat at napapanahon.


Posted in Uncategorized | 1 Comment